Isang araw, nagising na lang si Laisa na kailangan niyang dumaan sa bakery para sa ensaymada. Nagsising na lang siyang kailangan nga pala niyang dumaan sa park, lugar kung saan punung-puno ng alaala niya kasama ang kanyang best friend. Sa isang araw na ‘yon, bigla na lang may mga dumadating na sulat sa kanya. Sulat galing kay Anonymous.

Makikilala pa ba niya kung sino ang Anonymous nito kung una pa lang ay itinago na nito ang sarili kay Laisa?

 

 

Confession:

I’ve always been a fan of ‘secret admirers’ kind of themes. Hindi ko alam pero napaka-unrequitted love ng dating nito which is not the usual kind of lovers now at lalo na ‘yong tipong napaka-mysterious tapos bigla ka na lang mahuhulog dahil ‘yon talaga ang malakas makahatak ng puso. Plus, sending letters is a romantic act of courtship, except it defines the word creepy nowadays. Kaya title pa lang para bang na-hypnotize na akong basahin.

Anonymous is my favorite character in this story no doubt. Hindi dahil siya ang bida kung ‘di dahil isa siya sa mga nagpatibok ng puso ko. Pinakagusto ko namang part ay ‘yong ending. Kahit marami akong nagustuhan sa kwentong ito, ending pa rin ang pinaka sa lahat.

For some reason, kahit purong narration siya hindi ako nabagot. One, dahil maikli lang ‘yong ibang chapters. And two, dahil entertaining naman ang narration lalo na at nakasulat ito sa first point of view ni Laisa. Oo, I skipped a few parts dahil hindi ko mapigilang ma-excite para matapos agad ang mga sulat ni Anonymous at malaman kung sino ba talaga siya.

Hindi ito nakasulat sa usual na nababasa ko. Kumbaga may part na parang nagku-kwento lang si Laisa may mga parts namang parang kinakausap talaga nito ang reader niya. Hindi consistent pero dahil din doon ay naging relatable ang kwento. Straightforward rin ang narration, focus ito sa mga emotions na umiikot sa kwento kaysa sa escription ng setting ng kwento.

Natuwa at nainis din ako habang nagbabasa. Bakit? Nakakatuwa dahil relatable ang mga reaksyon ni Laisa. Kumbaga kung ako nakatanggap ng gano’ng letters ay parehong-pareho kami ng magging reaksyon.

Nakakainis naman dahil sa sobrang pagkakapareho namin, parang ginagaya ko na siya. Hindi ko na maangkin ‘yong emosyon ko. Hindi ko na maangkin si Anonymous. Para bang kapag natutuwa ako sa sulat sasabihin ni Laisa na naaaliw na siya. Kapag gusto ko pa magbasa ng sulat ni Anonymous nandyan si Laisa hindi rin mapigilan ang magbasa ng mga sumunod na sulat kahit pa ayaw niya. Kaya para sa’kin, napakahusay ng naging approach nitong kwento na ‘to sa mga readers.

Tuloy-tuloy lang ang naging pagbabasa ko dahil kahit ako ay hindi na rin nakapaghintay makilala si Anonymous. Hindi ako naiyak kahit kumuha na ng tissue si Laisa pero ‘yong sinabi ni Anonymous? Muntik na akong kumuha ng tissue pero wala pala akong tissue. Sobrang sakit no’n. Ang sikip sa dibdib habang binabasa ko ‘yong mga linya na para bang pinipiga ang puso ko at pati tiyan ko.

At some point, gusto ko ang ending pero may part din na parang ayaw ko. Pinapatunayan kasi ng ending na tayong mga second place lang sa heart ng mahal natin ay walang laban sa mga first love nila. Ang pagiging martir ni Anonymous? Wala ng gano’ng lalaki sa ngayon kaya dapat hindi masyadong nakakaapekto. Pero dahil may mga ilan akong kakilala na gano’n naawa ako bigla sa kanila.

He is Anonymous is a complete package. Naramdaman ko as a reader ‘yong saya, ‘yong pagkaaliw, ‘yong pangungulila at ‘yong sakit. Syempre hindi mawawala ‘yong twist na sobrang pumiga sa puso ko.

Advertisements