Destiny Salvatore, babaeng hindi pa nagmamahal, pero nasaktan, lumaban, hanggang sa nagmahal. Si Hermes, ang lalaking nasaktan, umasa, at nagmahal muli. Pinagtagpo sila upang punan ang kulang sa isa’t isa. Pero hindi sapat ang string of fate nila para masabing sila na talaga hanggang sa huli dahil biglang dumating si Thanatos, ang God of Death.

Mapapatunayan ba nilang maghahari ang pagmamahalan laban kay kamatayan?

 

 

Confession:

Prologue pa lang ng nobelang ito ay nakaka-curious na kung sino ba talaga ang mga taong nagsasalita habang walang malay si Destiny at kung tungkol saan nga ba ito.

Nabilisan ako sa takbo ng Chapter 1 dahil inaya agad ni Hermes maging girlfriend si Destiny, pero sa mga sumunod na chapters naman ay nasagot kung bakit gano’n. The reason was too simple yet, I can’t say na cliché siya since there’s a deeper connection compared to the other stories which used the same approach.

Habang tumatagal ‘yong basa ko napansin ko na para bang bumibilis na ‘yong mga pangyayari dahil sa pagkakaroon ng narration na nakasulat sa first point of view ng mga characters. Plus, ‘yong mga dreams nina Hermes at Destiny na nagbibigay na ng hint sa kung ano ang posibleng mangyari. But then, nagpalipat-lipat ang pagiging slow-phasing story niya to fast-phasing story. At some point, nakakainis kasi parang may mga bagay pang dapat ayusin pero kahit gano’n ang writing style, nasagot naman lahat ng katanungan sa kwento.

Chapter 11, honestly na-bored ako sa part na ito. Alam ko naman as a reader na walang alam si Destiny sa motive ni Hermes, pero ‘yong pagsasabi ni Destiny sa best friend nitong si Elana ang tungkol sa kanilang dalawa ni Hermes simula umpisa ay masyadong mahaba. Sa aking palagay may dapat pang ilagay na mas elaborated kumpara doon na pwede naming sabihin sa maikling paraan, unless it was Elana’s point of view. Halimbawa, pagre-resolve ng mga issues ni Destiny o kaya naman ay moments nila ni Elana.

Gusto ko na naayos ‘yong gusot sa pamilya ni Destiny. Kumbaga kahit paano ay hindi na siya nag-iisa at natutunan na nila ang salitang pagpapatawad kahit pa overflowing ‘yong naging eksena dahil nasa iisang chapter lang ito.

There are a lot of twists. The first revelation, I didn’t see that one coming.

Second, I was wrong. I knew it was too obvious in the previous chapters, but the author was able to mislead me to know the truth behind those hints she gave in the story.

Third revelation? It’s the most exciting twist for me, kasi una pa lang mahal ko na si Thanatos lalo na nang mabasa ko na ang twist na tungkol sa kanya. I don’t like him for Destiny, though.

Fourth revelation, masakit ito sa’kin pero parang mali. Bakit? Dahil hindi ko nakita ‘yong pag-grow ng feelings na iyon from nothing then to love. It had been explained figuratively, pero iba pa rin kung nakita ko ang development ng feelings na iyon sa loob ng kwento. Obviously, si Thanatos ang favourite character ko.

The last revelation is my most favourite part dahil marami akong naging paborito sa mga eksena sa nobelang ito. I like the change in the atmosphere on the last part of the story. Kahit pa cliché ang gano’ng U-Turn sa kwento.

In just 20 Chapters, the author was able to cover the resolve in Destiny’s complicated family, her as a friend to Elana, and her as Hermes’ love. She even included a bit of mythology mixed in the modern time. Romance ang genre na kinabibilangan ng kwentong ito (ang pinaka-hate kong genre sa lahat), pero dahil creative ang pagkakagawa, it wasn’t too much for me to read.

Hindi ako naiyak sa bigat ng mga eksena sa kwento dahil may ilang narration na kapag gusto mo na umiyak bigla uurong ‘yong luha kasi may pagka-conyo, pero sobra akong na-depress after ko itong mabasa. I felt bad for Destiny. Sobrang bigat ng pinagdaanan niya tapos mag-isa lang siya. Minsan may mga gano’ng tao sa totoong buhay kaya the thought of someone like her in real life, especially if they are my friends sobrang naging affected ako. I suddenly want to hug all of my friends.

How to Save a Heart is not your typical love story. There’s a catch, many twists, and a well-defined and justifiable ending. I like the idea of expressing a romance story in a bit unique way. This is the kind of romance story that I can handle and I would like to read whenever I have a free time.

Advertisements