Si Vlad na isang bampira na naghahanap ng magiging suplay niya ng dugo. Si Shana ay isang writer, naghahanap ng magsusuplay sa kanya ng impormasyon tungkol sa makabagong bampira. Ngunit dahil sa isang sumpa at lihim ng kanilang tunay na katauhan, sila’y magtatagpo.

Maging hadlang kaya ang pagkatao nila sa namumuong pag-ibig? Paano kung ito ang papatay sa isa sa kanila?

 

 

Confession:

Prologue pa lang, convincing na siya para basahin ko pa ang kabuuan ng kwento. Natuwa ako dahil hindi simpleng ang background ng character ng writer. Nagsimula talaga sa history ng pamilya ng bida which is spoonfeeding pero at least effective para magkaroon ng mas malalaim na understanding kung bakit at saan sila nagmula. Nagbibigay rin ito ng clue kung saan iikot ang kwento. Kakaiba siya for a vampire story kaya inabangan ko talaga ang bawat chapters.

Sa mga naunang kabanata, naging mahaba ang narration. Mabibilang lang sa kamay ang mga dialogues. Para sa’kin nakakapagod siya basahin. Siguro dahil mabigat ‘yong mga ginamit na salita dahil tagalog ito at higit sa lahat slow-phasing story siya.

Nang una’y hindi ako sigurado pero habang palayo ako nang palayo sa chapters, ‘yong tagalog minsan medyo off. Kumbaga iba ang gamit sa kahulugan mismo. Naiintindihan ko pa rin naman kahit paano dahil sa context clue. Still, I think mas okay ang medium nito kung English dahil mas malinaw ang narration. Kahit mahaba pati ang bawat chapters hindi kasing haba kapag nakasulat sa tagalog. At may ilang parts na mas marami ang narration sa English which is (for me) more effective than using tagalog kung tama naman ang usage ng words.

Knowing more about Vlad on Chapter 8, I suddenly find the story amusing. It is because his character is far from the usual vampire personality which is dominant and serious. Here, Vlad is very modernized and have a sense of humor. Kaya kahit mahaba pa rin ang narration ay hindi na nakakapagod dahil natuto akong mag-enjoy kay Vlad. And obviously, he is my favorite character in this novel.

I just find the last part of Chapter 10 weird. No’ng nagising si Jett at may inamin siya kay Shana. Parang bigla na lang nawala sa eksena si Vlad. In normal instances, they would prefer to be alone before confessing. Pero hindi nabanggit na umalis si Vlad and for him to say that in front of Vlad at wala ginawa si Vlad sa kanya tapos another scene na sa Chapter 11, it’s just weird.

Pati sa ilang mga sumunod na chapters nawala yung connection. Pwede mag-jump from last scene to a different one pero dapat may magkokonekta sa dalawang scenes na ‘yon. Oo, iisang kwento lang naman pa rin pero kulang ang naging transition ng ganitong scene sa panibagong scene.

Then natatawa ako kasi Harry Potter feels lang kapag may mga action scenes tapos may binabanggit silang latin or kung anumang salita ‘yon. And they have powers (laser beam, dragons, sword and stuff). Medyo nalito na ako from the history of this novel written in the prologue and to the modern time. Pwede naman power katulad ng sa Vampire Academy sana lang mas distinct kumbaga iisa lang ang power bawat vampire or kahit wala na since mahirap talaga magsulat ng mga mga powers ang characters. I just hope mabigyan ng justice kung bakit may powers sila since sa unang part ng story parang wala naman.

Kapag naglalabasan na ‘yong mga ibang characters, nagkakahawa-hawa na sila. Kumbaga hindi ma-distinct kung sino ang nagsasalita since ‘yong tone and mannerism ay pareho.

I don’t want to spoil, but I’m confused in this one action scene where this Elvis Man is testing Vlad. Considering, na ang talagang kalaban ni Vlad sa gem ay itong si Elvis man, then bakit may Cloak man na nabanggit sa fighting scene? In fact, si Cloak man ay itong Master ni Friore (crow demon sa naunag chapter).  And father? Sino ang father niya? Si Cloak man na kalaban o si Elvis? Kasi si Elvis parang ‘yong friend niyang si Aulus na nag-send ng letter sa kanya para pumunta sa Avalon.

After writing all the characters’ names and roles in a piece of paper doon ko lang napatunayan na weak ‘yong characterization ng author. So, I’m really confused on this part and to the other chapters na pareho ng approach. For me, it would be better and not confusing if consistent ang mga tawag ng author sa character like si Master ay si Cloak man lang or ‘yong crow demon, then si Elvis man ay si Aulus lang since umaasa lang kaming mga readers sa description sa kwento.

Despite its flaws, The Devils’s Bride definitely has a potential. Siguro talaga lang hindi napagtuunan ng author ‘yong character profile niya. Sa mga mangilan-ngilan naman butas sa kwento, kahit nakakalito ay nasagot naman. Masyado lang naparami ang palabok.

 

 

 

Advertisements