Si Aaron ay namuhay mag-isa matapos ipatapon ng kapatid nitong si Rex sa ibang bansa dahil sa Elysium. Isang organisasyon kung saan nagsimula ang lahat ng kaguluhan sa kanilang bansa dahil sa ginawa at itinatago nitong microchip upang ma-control ang mga tao pati na ang buong bansa.

Nasanay si Aaron na hindi umasa sa iba. Pero bigla namang dumating si Kate sa buhay niya. Ang babaeng matututunan niyang mahalin ngunit masakit.

 

 

Confession:

Sa Prologue pa lang ay confusing na. But in a good way, dahil maraming pumasok na possibilities sa utak ko kung tungkol saan ba talaga ang Trapped With You.

Sa Chapter 1 naman, may kaunting explanation about sa Elysium pero sa tingin ko may mas iba pa iyong silbi bukod sa pagiging ordinaryong organisasyon. One thing is for sure, though. Their world is far from ours, yet not that far from the present set of the society.

In order for me to understand this novel, I have to read it all without skipping a chapter. Hindi naman siya fast-phasing pero parang ang daming nangyayari sa isang chapter na katulad nang nangyayari sa atin sa reyalidad.

Smooth narration. Para lang nakakapagod basahin dahil mas marami ang narration kaysa sa dialogue.

Hirap din bitawan ng libro lalo pa at alam kong wala pa ako sa one-fourth ng katotohanan nito. Isa ito sa mga nobela kung saan gusto ko na agad siya tapusin. Nagustuhan ko agad ang mga characters at pakiramdam ko ay naging parte na rin ako ng buhay nila sa loob ng kwento.

Napansin ko lang, ‘yong thoughts ni Kate ay ibang-iba ang tono sa mga dialogues niya. Kumbaga hindi consistent ‘yong personalities ng character niya. Mayro’n ding katulad ni Aaron at Nathan na nagkakapareho ng ugali kaya ang hirap nilang mai-identify sa isa’t isa; para bang kinuha ang katauhan nila sa iisang tao lang sa reyalidad ng author. Pero kahit gano’n ay nasanay na lang din ako.

Si Rex ang paborito kong character sa kwento. Siya lang kasi ang consistent ang ugali. Pero hanggang sa nagustuhan ko na rin si Josh. Napaka-cliché ng katauhan ni Josh sa totoo lang pero napaka-refreshing din (pakiramdam ko tuloy nagtataksil ako kay Rex).

Kahit nasa third point of view ang narration ay hindi magulo ang paggamit ng ‘nito’ at ‘niya’ na madalas mapagkamalian ng ibang manunulat sa ganitong uri ng narration.

Mayro’n lang tanong na namuo sa aking isipan. Hindi ba’t mas matanda si Aaron kay Paula at Josh? So, bakit sila magkaklase? I assumed na isang taon lang ang tanda nito sa dalawa since magkaklase sila. Pero sa kabilang banda naisip ko rin na kahit isang taon, since Aaron studied in a foreign country ‘di ba dapat mas ahead pa rin siya kasi may K11 at K12 sa mga bansang iyon.

At kung iisipin, bata pa sina Josh at Paula sa College. Ibig sabihin ang Pilipinas sa taong ito (taon sa loob ng kwento) ay wala pang bagong educational system. At dahil doon, naguluhan ako sa kung anong dahilan at naging magka-level lang sina Aaron at ang dalawang mag-pinsan na iyon.

In Chapter 23, na-excite ako. Finally, tungkol na ito sa Yggdrasil at sa controller. Nakahinga na ako kina Kate at Aaron pero hindi naman sila nakakaumay basahin. Wala nga akong ibang kumento habang nagbabasa kung ‘di ‘awww cute’.

Feeling ko, mali si Rex sa theory niya kung nasaan ang microchip. Mayro’n din akong sarili kong theory based sa mga information na binigay ni author sa akin sa loob ng kwento. Pero pagdating sa Chapter 32, nagtama ang theory naming dalawa ni Rex ng walang sapat na ebidensya para makita ang transition nang pagbabago ng theory nya from the first chapter.

Mayro’n part na ayokong sabihin para hindi spoiler ang dating pero sasabihin ko pa rin. Tingin ko naman ay walang alam si Kate sa ginawa ng taong kilala niya sa mga nakapalligid sa kanya para magalit nang todo si Aaron.

Kulang pa ang impormasyong nabanggit sa Trapped With You. Kung may kasunod itong kwento, doon ko pa malalaman kung nasagot pa ang ilang katanungang nabuo pagkatapos ko mabasa ang nobelang ito. Pero kung wala na itong kasunod, masasabi kong hindi epektibo ang ending sapagkat maraming butas na naiwan na hindi dapat maiwan. Marahil may mga nobelang iniiwan ang ilang katanungan ngunit ito ay depende sa butas na kinakailanagang punan sa buong kwento.

Hindi ko inaakalang magugustuhan ko ang Trapped With You lalo na ang romance part niya gayong hindi naman ako mahilig sa romance, unless mature content siya. Balanse ang pagkakasulat ng pinaghalong genre (romance-mystery) kaya hindi nakakasawang basahin.

Advertisements