Tama. Mali. Tama. Mali.

Sa mga salitang ‘yan iikot ang buhay ni Genie. Ang simpleng babaeng walang simpleng buhay simula nang magpakita at sumunod-sunod sa kanya ang kanyang anghel at demonyo. Dalawang kampo na magpapagulo sa utak at paniniwala niya. Dalawang tao kung saan may iiwan na aral mali man o hindi.

Confession:

First chapter pa lang mabilis na ang mga pangyayari. So, I expected consistent ang phasing. Isa rin kasi iyon sa mga dahilan kung gaano lang napapatagal ng kwento ang atensyon ko para basahin pa ang mga susunod na mangyayari.

Nakakatuwa rin naman ito dahil napaka-casual lang nang pag-uusap nina Heaven at Hell. Napaisip tuloy ako ng “Ano kayang bago sa kwento ito compared sa ibang angel vs demon na themes?”

Sa mga sumunod na chapter, napaka-cliche na kung paano mas nagkaroon ng connection ang mga characters. Ngunit nakakaaliw pa rin ang kwento lalo na ‘yong bangayan nina Hell at Heaven para papiliin si Genie kung gagawin niya ba ang tama ngunit walang kasiguraduhan o mali ngunit delikado. And it make sense for someone who’s a demon. So, justifiable ang ugali nito at syempre ang napakahabang pasensya ni Heaven at malambutin nitong puso.

Dahil simple ang pagkakasulat, naging predictable naman ang takbo ng kwento. Advantage? Hindi mahirap intindihin ang kwento. Walang masyadong twist na malalalim at nagpapasakit sa ulo ng readers. Pang-masa kung sa ibang salita.

Habang dumadami ang mga nangyayari, nahihirapan ako mag-absorb dahil mabilis na ako magbasa, mabilis pa ang phasing. Ito ay ayon lang sa preference ko as a reader. It can or not be valid to the other readers.

I get the point why it happened to Vienna. Pero the fact na predictable siya, para tuloy hindi nabigyan ng justice ‘yong side ni Vienna as a person at ‘yong lalim ng role niya sa buhay ni Genie. Nagkaroon lang siya ng lakad then bigla na nawala.

Dumating tayo sa point na nagtanong na si Genie kung totoo bang may Diyos. Bakit ganito, bakit ganyan. Anong reason, anong purpose. Nagkulang ito sa emotions. Itong part na ‘to ang hinihintay ko dahil gusto ko maramdaman ‘yong bigat ng kalooban ni Genie. This is a normal experience for some people. Dumadating tayong lahat sa ganitong stage pero sa execution ng writer dito sa story, parang napadaan lang si Genie. Hindi ko naramdaman. If it’s because the story is fast-phasing then try to write a normal-phasing story (I don’t even know if may ganitong term pero ito ‘yong hindi mabagal at hindi mabilis na phasing). Maari ding dagdagan ang mga eksena para mas maipakita at maiparamdam ang bigat at aral sa kwentong ito.

Nakita ko ang change sa personality or attitude ni Genie pero ‘yon nga granted that the story is super cliche and predictable, isang way para maging kakaiba siya ay ang higupin ang emosyon ng readers.

Favorite character ko si Hell. Siya kasi ‘yong parang bad boy pero unti-unti lumambot ang puso kahit may mga oras na in denial siya at nilalabanan niya ito dahil nga nature na niya ang maging mapanukso.

Gustung-gusto ko ‘yong eksena kung saan dumating ang paghuhukom feels. Hindi ako nabusog pero at least nabigyan ako ng kakaibang feels kumpara sa mga naunang chapters.

Gusto at hindi ko nagustuhan ang mga eksena kung saan confused si Genie sa kung ano ang dapat niyang gawin, tama ba ito o mali dahil both sides may point naman. Nakulangan ako doon dahil inaasahan kong marami pang instances na nagbabangayan sina Heaven at Hell pero at least naipakita.

Angel vs. Demon unang kwentong nabasa ko na gumamit ng first point of view pero parang nagkukwento tungkol sa iba. Kumbaga naging subject of interest lang siya ng mga bida pero hindi talaga tungkol sa kanya ‘yong kwento.

Advertisements