Religion. Paniniwala. Kinaugalian.

Ito ang mga bagay na magpapabago kay Sandra, isang babaeng mula sa pamilyang perpekto. Maganda nag natapos niya sa kolehiyo, dating gobernador ang lolo niya, at doktor naman ang papa niya habang nagpapalakad ng sarili nilang kompanya ang mama niya.

Ngunit hindi lahat ng perpektong pamilya ay walang itinatagong sikreto. At iyon ang nais alamin ni Sandra habang ginagabayan naman siya ng isang misteryosong lalaki.

 

Confession:

Akala ko nang una, english ang gagamiting medium dahil sa prologue pero mabuti na alng at hindi lalo na at may pagka-sensitibi ang topic na napapaloob dito.

Gusto ko ‘yong naging sagutan ng mga tauhan sa unang chapter pa lang. Though, medyo parang naging scripted na. Hope mas marami pang sagutan sa mga next chapters pero sana ‘yong swabe ang flow.

The black cat is fine pero medyo awkward ‘yong buong chapter na ‘yon starting sa nagpakilalang kakambal. I mean, may big impact ba ang kambal at itim na pusa sa buhay ni Sandra? If so, sana mas nabigyang diin ‘yong relationship niya sa kambal na nasasagot ang mga tanong ko. Katulad nang bakit kailangan ipakilala ang kakambal sa kanila, bakit ganu’n ang greetings nila sa isa’t isa. Pero kung wala relevance, sana ginawa na lang short narration ‘yong scene tapos naka-focus sa itim na pusa ‘yong buong kabanata na ‘yon dahil ang dating sa’kin as a reader ay parang naisingit lang ang scene na ‘yon para sa susunod na chapter.

Isa ko pang napansin ay ‘yong mood swings. Yes, naiintindihan ko base sa kwento pero walang connecting phrases like ‘pinahid ang luha’ o kaya naman ‘mabilis nawala ang galit sa mukha niya’, mga ganu’n para hindi kanina lang naiyak tapos bigla na tumatawa ang character na hindi naman literal na iyak-tawa ang nangyayari or action ng character mo. At ‘yong hindi akma ang dialogue for the situation. Sorry, pero may ilang dialogues kasi na kalmado basahin ‘yong tipong di ko feel na nagmamadali or nasa peligro ang character. So, iyon ang dapat tutukan ng author para ma-improve.

Akala ko, sinpleng devotion lang sa belief ang ipapakita ng kwento, tipong nakakilala siya ng ayaw ng panikya niya and such, parang tipikal Romeo and Juliet pero hindi pala dahil sa pagtigil ng mundo, literally ayon sa kwento. Bigla rin naiba ang ikot ng mundo na akala mo napakabuti ng pamilya mo pera ang totoo may tinatago pala silang madilim na nakaraan.

I just wanna say this, “Really? May 13th floor pa rin sa ibang Condo/hotel? Akala ko kasi matik na ‘yon na walang 13th floor or room.” If sinadya for the sake of the story, pilit na pilit siya. Here’s what i thought in exchange for that scenario: kunwari imbes na 13th floor, ang mababasa ko ay 14th floor, pero may nakasulat din na kung bibilangin talaga ang mga palapag, nas apang-13th siya. Sa room naman kunwari 114 pero ang totoo kapag binilang ang mga rooms pang 113 pala siya ganu’n.

Work with the shifting of the days and places. Masyadong invisible sa mata ‘yong sign na ‘~~~’ ganito as division. So, for a reader kapag di napansin ‘yon, (wala rin kasing enter enter paragraph) malilito sila kung bakit kanina ito ang kasama tapos bigla ibang tao na o kaya kanina nandito lang maya-maya nasa ibang lugar na. Confusing siya lalo na at ang isang character mo ay nakakapagpatigil ng oras at kung anu-ano pang kaya niya.

Sa huling part, parang masyadong nagsiksikan ang mga pangyayari, ‘yong mga revelations at ‘yong conclusion. I understand na may book two ito pero ang point ko ay dapat kalat ‘yong revelation hints para hindi naman mabigla ang mga reader especially ‘yong mangilan-ngilan na revelation na ‘yon ay pieces pa lang ng kabuuan ng twist sa novel. At sa tingin ko sa pagkakalat ng mga puzzle pieces na ‘yon sa buong kwento (hindi lang sa ending part), maiiwasan ‘yong tinatawag na dead air sa radio. Kumbaga may mga not so much important scenes/chapters o kaya naman hindi ko makita ang significance no’n as a reader.

Pipiliin ko ang mahahabng chapters na nagbibigay ng hints kada chapter kaysa sa mahahabang chapter na pwede namang tanggalin dahil wala siyang epekto sa kabuuan ng kwento.

I like the idea of giving “kuayng nakaitim” a name in the end. Well honestly, kahit nagkaroon siya ng pangalan o hindi ay hindi kawalan. Hindi naman kasi nakakabawas sa ganda ng story ang ‘no name’ character as long as mapapanindigan. At kitang-kita ko naman sa kwentong ito na napanindigan iyon.

Si kuyang nakaitim ang pinakagusto kong character dahil kakaiba siya at may pagka-misteryoso. halos lahat naman ata ng readers ay nahuhulog sa ganu’ng character profile. Bukod doon, gusto ko kung paano niya sagutin si Sandra at guluhin ang utak nito sa mga paniniwala niya. Hindi man niya ini-insist ang sa kanya at bilang reader, napapaisip rin ako.

Masarap basahin ang Illumination at hindi boring kahit pa umiikot ito sa religion at beliefs ng bidang character.

 

Advertisements