Sa buhay, may ginagamit tayong mga salita na magpaparamdam sa kapwa natin kung ano ang nararamdaman natin para sa kanila. Magpaparamdam sa atin kung bakit tama sabihin ang mga salitang ito. At hindi pa huli ang lahat kung sakaling ngayon lang nakita ang kahalagahan ng mga salitang iyon.

Ito ang nasa isip ni Elise nang matutunan niya ang mga salitang nagpabago sa takbo ng buhay niya.

 

Confession:

Sa unang kabanata, medyo blurry pa ang character profile. I mean, may ilang dialogues na ka-tono ng narration kaya hindi pa matibay ‘yong mga factors na makakapag-distinct na “Uy, si James ‘yon. Uy, si Elise ang nagsasalita.” Hindi kasi minsan sapat na nakalagay lang na ‘sabi ni ganito o ni ganyan’ para ma-distinguish ang isang character. Dapat mararamdaman din namin iyon as a reader. Malalim din ang construction ng sentences sa narration kaya maari ma-separate iyon kung hindi kasing lalim rin sa mga dialogues especially parang conversational tone pa ang ginamit ng author.

Nagustuhan ko naman kung paano inilarawan ng author si Elise. Hindi ito madalas gawing ng iba author. Para sa kanila, konting intorduction lang at isang paragraph para i-describe ang itsura ng character nila. Pero dito sa kwentong ito, luminaw ang character. Naging 3d siya sa isipan ko, at mas nabigyang buhaya ng kwento. Ang sweet naman ni James. Naiisip ko tuloy spiritual ba itong novel, hindi ata para sa’kin ito. Pero I’m curious about this four statements. I’m looking forward to its effect on me.

Ang hindi lang malinaw sa’kin ay bakit ganu’n ang ugali ni Elise. So, pwedeng isingit sa mga naunang chapters na magpapatibay na spoiled brat siya. Iyon kasi ang assumption ko as a reader base sa nababasa kong dialogues niya at kilos sa kwento pero hindi ‘yon concrete kaya dapat may magpapatibay nu’n besides she’s 24, ┬ámay pagka-mature na ito kahit konti. So, what makes her like that? Aside from knowing na ampon siya.

Gusto ko ang character ni James. Pero at the same time ayoko rin. Isang instances ay dahil sinabi lang niya na gusto makita si Elise ng nanay nito without breaking the news na may sakit na pala ito. For someone na may malalim na connection sa kanya, it is just right to tell her eveything that concerns her especially may pagka-banal ang lalaki.

I’m just wondering kung bakit sa naunang chapter wala na daw si Agnes, pero sa sumunod after ng scene sa train ay naka-wheelchair pa. Hindi ko makita kung balik-tanaw lang ba iyon or nagkamali talaga nang nilagay sa naunang chapter na wala na daw si Agnes, according to her dad. So, paki-clarify ng part na ito.

Sa kabuuan, may ilang words na hindi akma sa pagkakagamit or mali ang ginamit na panlapi/unlapi. So, kapag binabasa ko, iba ang pagkaka-bigkas ko kaya para na siyang awkward pakinggan. Konti lang naman ang mga iyon kaya ayoko sana i-point out pero mas mabuti na rin iyon para magawan ng paraan sa ibang mga kwentong isusulat.

Isa pang nagustuhan ko sa novel na ito ay ang pagkakatagpi-tagpi ng mga characters. Kumbaga nangyari ang sceneario na iyon or ginawa ang mga kilos at desisyon na iyon alinsunod sa takbo ng kwento. Hindi lang siya ‘yong tipong may maisingit lang.

Inaabangan ko ang four statements kung paano siya isasalarawan. Na-bored ako, honestly pero nu’ng na-gets ko na kaya pala ganu’n ang mga scenes ay natuwa ako. Hindi spoon-feeding ang kwento kahit pa sinabi sa huli ang four statements.

Hindi sapat na basahin lang ang isang kwento dahil minsan ang aral nito ay nakatago sa bawat pahina at kabanta. Ito ang nakita ko sa Four Statements, may aral at may pinaglalaban.

Advertisements