Bawat tao may kanya-kanyang karanasan maging pamilya man o usapang pag-ibig. Sa bawat pagsubok na hinaharap natin, natututo tayo.

Katulad na lang ng kaibigan ni James na noong una’y hindi niya maintindihan ang mundo nitong ginagalawan ngunit naglaon ay napagtanto niyang pareho silang natuto.

 

 

Confession:

Nang una ay nalito pa ako dahil iba ang narrator sa kinukwento nito pero napagtanto ko na si Rio ay kaibigan ng narrator. Maganda naman ang naging panimula sa pagpapakilala kay Rio kahit pa may ilang mga paragraph na sobrang haba ng narration kaya para bang nakakapagod basahin. Kung titingnan din ang pamagat ng bawat kabanata ay madali itong maging predictable pero nando’n pa rin ang nakaka-intrigang pakiramdam kaya sa huli ay babasahin at babasahin ko pa rin ito.

Sa sumunod na kabanata, tama ako, si Sailor Moon ngang sinasabi ay hindi lang basta cartoon na kasama sa mundo ni Rio at sa komiks dahil iba ang mundo kapag sila lang dalawa ni Lenlen.

Habang binabasa ko ang mga sumunod na kabanata ay napapansin kong may ilang mga salita na para bang kailangan isingit kahit pwede naman na hindi na. Kumbaga, parang isang maikling nobela ito na kasali sa isang writing contest sa Wattpad na may required elements. Ang maganda naman sa mga ‘yon ay hindi pilit ang pagkakasingit. Maayos kahit para bang nagpapahaba lang ng narration pero dahil matalino ang pagkakagawa ng plot, as a reader, maiisip ko din na, “Ah, iba nga pala ang mundo ni Rio sa mundo ko.” So, there’s the difference, kung weird ang salitang ‘yon para sa’kin, ay hindi naman para kay Rio.

What I like about this short novel is its settings. Damang-dama ko ‘yong lugar kung nasaan sila, at ‘yong ugali ng pamilya nila at kung paano sila lumaking magkaiba.

Napaka-cliché na ng sumunod na mga pangyayari at halos parang walang emosyon ang nagkukwento na kaibigan ni Rio. It might really have an impact on the way he retells Rio’s love life since he doesn’t know how it feels. Kung ang nagsulat ng kwentong ito ay nahihirapan sa pagbibigay ng emosyon sa mga gawa niya, isang magandang technique ang narration mula sa ibang tao dahil iba na rin ‘yong opinyon nila sa mismong involved na tao. Hindi rin gano’n ka-wagas ang emosyong mararamdaman nila dahil hindi ito nangyari sa kanila (narrator).

However, it is just weird since James knew everything about Rio using that writing style. First point of view ang ginamit pero tungkol sa ibang tao. So, basically kung ako ang nagku-kwento ng buhay ni Rio, hindi siya magto-tonong third point of view which it did starting from chapter three up to the next chapters.

Sige, sabihin nating third point of view na rin ang ginawang pagku-kwento ni James sa unang kabanata pa lang pero ‘yong tono niya magkaiba na. It seems creepy to me na para bang kahit nasa iisang lugar si Lenlen at Rio, having their private talks, ay alam exactly ni James ang nangyayari. Ano? Stalker lang? Hanggang sa mga pahuling kabanata ay nagkakaroon na ng pagkakahawig ng tono sa nauna at gitnang parte ng kwento. Naging magkahalo sila sa iisang chapter which I think is better since mas ramdam ko na kinu-kwento lang talaga ni James ang tungkol kay Rio at hindi nito nakikita mismo.

Kapag si Rio ang nag-kwento, second-hand source na ‘yon kung ikukumpara sa eksena kung saan nakita mismo ni James ang nangyari, that’s first-hand resources. So, halata ang pagkakaiba ng tono nila sa narration.

Naloka ako sa isang chapter na may title na Color your world. ‘Yong mga nauna kasi ay magkahalong banyaga at Filipinong salita. Pero ito full English. Nainis ako (ito ay preference ko lamang) dahil hindi na siya consistent.

Obviously, si James ang paborito kong character kahit hindi siya ang main character. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanya dahil ako, as a writer, ang mga sinusulat kong kwento ay real life ng mga kaibigan ko, o naririnig kong usapan sa mga pampublikong lugar. So, para akong si James na alam ang buhay ng ibang tao.

After reading this story, I took a deep breath and sigh. Grabe, napaikli niya pero ang bigat ng mga pangyayari. Walang paliguy-ligoy sa buhay ni Rio, straight to the point ang mga scenes. Nakakalungkot dahil kahit ilang stories na ang nabasa kong ganito ang storyline ay ang bigat ng pagkakakwento. Damang-dama ko ‘yong sakit sa part ni Rio simula pa lang nang mag-Japan si Lenlen. At the same time, masaya dahil hindi iniwang gano’n lang ang main character na si Rio. Hindi man sila nagkatuluyan ay naging masaya naman si Rio sa piling ng iba. Tragic sa Lenlen-Rio love story pero hindi sa individual characters.

Dahil doon, naging realistic ang kwento dahil ang tao ay nagmamahal kahit pa nasasaktan. Hindi man direktang sinabi ay naipakita naman nito ang pagmo-move on sa part ni Rio. Hindi siya nakulong sa mundong hindi totoo, hindi siya nakulong sa taong nabubuhay na hindi siya kasama. Natuto siyang tumayo at magmahal ng iba. Hindi na rin bago ang aral na ito sa mga kwento pero mas malalim ang impact sa paraan na ginawa ng writer nito.

Ang Mundo ni Rio ay isang patunay na sa buhay natin ay napupunta o nakakaranas tayo ng iba’t ibang mundo (kultura, ugali, at tao), whether we’re aware of it or we choose to ignore it.

Advertisements