Madalas tayo magbalik-tanaw sa mga pangyayari sa buhay natin gaya na lang ng mga pangyayari noong high school.

At isa si Carlvin sa mga taong labis ang pasasalamat hindi dahil nalaman niya ang dapat niyang abuting pangarap ngunit dahil nakakilala siya ng mga taong nagpabago sa takbo ng buhay niya.

 

 

Confession:

Tuwing nagbabasa ako hinuhulaan ko muna kung bakit gano’n ang title ng kwento. Sa Forty Winks, wala akong ideya ni katiting hanggang sa nabasa ko ‘yong tungkol sa painting. If tungkol nga doon ang kwento sana’y pina-suspense muna ang mambabasa bago ipaliwanag ang Forty Winks ngunit kung mali ako ay umaasa ako sa magandang twist.

Isa sa mga napansin ko ay ang tono ng kwento na ito. Minsan, boses babae ang nagkukwento, minsan naman lalaki. Kahit ganoon, hindi naman nakasira sa flow and in fact, nakakatuwa kung paano magsalaysay si Carlvin.

Nakita ko rin na nagkulang ng isang salita na umuulit gaya ng maya-maya na tanging maya lamang ang naisulat. Hindi ko alam kung sinadya iyon dahil ilang beses ko nakita ang salitang ‘yon o talagang nakaligtaan lang.

Natuwa din ako sa linis ng kwento. Mangila-ngilan lang ng typos ngunit nagtaka ako kung bakit gumamit pa ng malalalim na salita ang nagsulat nito gayong maari naman niya gawing English na lang kagaya ng ibang mga salita not unless expression ito o madalas marinig sa mga taga-probinsyang tulad ni Carlvin. For example, ang salitang “kainaman ka” ng mga Batangueño.

Pagkatapos maari rin naman magkahalong Tagalog at English ang salita ni Damsel dahil galing siyang Maynila o kaya naman ay madalas niya sabihin ang salitang ‘kasi’ dahil hint ‘yon sa mga taga-probinsya na galing siyang Maynila. Walang nagka-kasi sa probinsya. Isa ito sa mga nalaman ko nang magbakasyon ako sa ilang probinsya tapos tiga-Maynila ako.

Huling napansin ko ay ang pagsingit ng issue ni Carlvin sa Panginoon at pati na rin sa mother niya. Nang una, smooth pa ang daloy ng mga eksena at pagbibigay ng  mga issues sa buhay ng isang High school student hanggang sa na-realize kong masyadong maikli ang kwento para sa gano’ng kadami na issues na in-approach. Kaya ang nangyari ay para bang naisingit lang. So, kung lalagyan pa ng instances na sobrang faithful ni Damsel sa Diyos at more issues or scenarios of Carlvin’s thoughts about his mother or other mothers, then sunod pa rin ang smoothness ng mga pangyayari. Maayos at mas nakakadala ng emosyon.

Forty Winks is a very preditable, cliche, and an ordinary kind of story. Ngunit nakakapagbigay ito ng déjà vu -feels sa mga mambabasa na dumaan sa pinaka-komplikadong yugto ng.kanilang buhay – ang high school.

 

 

Advertisements