In our lives there will always be a why. Bakit ganito, bakit ganyan. Maraming katanungan na minsa’y nasa harap na natin ang kasagutan pero hindi natin iyon pinapansin.

Pero hindi para kay Jade na nasagot ang kanyang mga katanungan ng dahil sa mga nangyayari sa kanya at sa paligid niya.

 

 

Confession:

You made it very obvious sa title pa lang ng kwento. But what I am looking forward to is its answers to what.

Sa prologue pa lang na-realize kong hindi gamay ng writer ang english medium. She/he tried pero makikitaan pa rin ng lapses sa grammar. Hindi naman nakakairita since ‘yong kulang na ‘yon ay hindi hadlang para maintindihan ang nais ipahiwatig ng writer pero mas magiging maayos siguro kung Filipino na lang ang gagamiting lenggwahe upang hindi ma-bother ang ibang magbabasa lalo na ‘yong mga grammar-OC.

Sa unang chapter naman ay sobrang bilis ng mga pangyayari, mabilis din ‘yong narration ng bida kaya para bang nawawala ‘yong emotion na nakapaloob sa bawat scenes. I suggest, either you add more description about the surroundings of the characters or what Jade think of,  or introduce her friends and their relations to her one by one each chapter.

There’s this scene with one doctor, sobrang natawa ako. Tanggap na ni Jade na mawawalana siya pero hindi ng magulang niya. But the way the doctor said the line “O sige po – bla bla bla” para bang ang dali lang sabihin ng doktor na mamamatay na si Jade. Ang mga doktor kasi dapat neutral especially if its about death.

Somehow after reading 3 chapters, parang na-disappoint ako dahil tungkol lang pala sa love ‘yong answers na hinahanap ni Jade which was raised sa unang chapter pa lang. I was hoping for a deeper connection siguro sa buhay ng character sa kwento since hiwalay na pala ang parents niya tapos may sakit pa siyang nakakamatay Kung love lang, masyadong mahina ‘yong foundation to ask what is love since, as a reader I don’t know when her parents got separated. At some point she could have an idea that love is about family, kung naghiwalay ang mga magulang niya nang may isip na siya.

Sa chapter kung saan ka-kwentuhan ni Jade ang mga nurses, nagmukhang scripted na siya. Don’t make the nurses too serious dahil in the first place they need to cheer her up. So, maganda kung parang pa-joke ‘yong sinabing love is inspiration then ipasok mo ‘yong love life ng nurse gano’n.

Mayroon din na chapter na naalala ni Jade si Sky pero ang tinanong niya sa sarili ay kung matitikman pa ba niya luto ni Tristan. Bigla akong nalito.

Instead of using sound effects and asterisk to change location and scenes it’s much better to use a short narration. Okay lang gamitin ang asterisk in changing location and scenes kung naiba rin ang point of view. Si Tristan at Jade lang naman ang focus ng kwento kaya lubus-lubusin mo na ang description o narration. Nakakadagdag din ‘yon ng depth sa relationship ng characters mo kaya mas mararamdaman namin yon.

I don’t know what kind of illness Jade have. Ngunit dapat lagi siyang may gamot na dala lalo na at reently lang siyang na-confine. Considering na sa puso ang problema niya tapos napasok siya sa school syempre may gamot ‘yan pills gano’n o kaya painkiller. Search these things in google or ask someone like a doctor or a nurse.

Gusto ko ‘yong sa sisirain daw ang kwarto tapos nagwala si Jade dahil mukha syang  baliw na nakawala pero ang maganda ay damang-dama ko ‘yong eksena na ‘yon kaya iyon ang paborito ko sa lahat ng nabasa ko. Hindi ko nga lng alam kung sinong paborito kong character.

Kapag may eksena na puro dialogue mas maayos kung may description kung sino ang nagsasalita gaya ng “anito”, “sabi niya”, “sagot ko” kahit hindi bawat dialogues, kahit per 2-3 dialogues para hindi mawala ang mga mambabasa kung sino na bang nagsasalita.

Marami pa akong napansin na butas mostly sa lines and sa pag-jump ng mga scenes. So,  more on technical side ‘yong kailangan mong i-edit bukod pa ang ilang mga katanungan sa isip ko:

  1. Bakit hindi pa tamang panahon para magpakilala si Tristan sa mga tao? ‘Yong bigat ng desisyon niyang magpa-misteryoso effect ay hindi sasapat sa dahilan lang na may sakit din siya or whatsoever. Kailangan malalim din ang pinaghuhugutan.
  2. Bakit tinanong niya ito kung maaring ma-in love sa boses gayong wala ka namang pinakita na mas matagal ang interaction ni Jade sa boses sa kabilang kwarto.

 

Ang epilogue naman ay sobrang cliche ngunit it makes perfect sense. Then, mas okay siguro if dire-diretso ‘yong narration kaysa sa pinuputol pa bago pa ‘yong major twist. However, preference ko lang naman ito kung gusto mo pa rin ang gano’ng format so be it.

Ang The Thirteen Answers ang kwentong magbibigay sa mga readers ng mga simpleng kasagutan tungkol sa pag-ibig. Madali ngunit bulag ang tao para makita ang mga ito.

Advertisements