Bawat tao may kanya-kanyang kwento lalo na kung tungkol sa kani-kanilang first love. Sino nga ba ang madaling makakalimot sa kanilang first love? Siguro at some point in life maaalala natin ang mga taong ‘yon habang tumatawa na kahit hindi tayo nagkatuluyan ay may napulot tayong aral sa kanila.

Ganyan ang nasa isip ng mga tinaguriang royalties sa Northville. Studies, personal issues, first love, at first heartbreak. Naging masaya ang buhay high school nila dahil sa mga bagay na ‘yan.

Confession:

Title pa lang alam ko nang romance ang story. The thing is, nabigla pa rin ako nang mabasa ko ang sneak peek. I’m sure lahat ng readers nito makakarelate dahil tungkol ito sa first love.

Isa lang naging problema ko dahil hirap ako mag-review ng mga story na nakasulat sa third point of view pero lalaki ang focus. Wala kasing gender ang third point of view, not unless binaggit kung sino mismo sa buhay ng bida nahkukwento (e.g kapatid, love interest, kaibigan).

As for the guys’ point of view, kung babae ang narrator nahawa na pati ‘yong focus na kabaliktarang gender kaya kahit gaano ka-obvious na lalaki ang bida, mas ramdam kong babae ito dahil sa tono sa kwento.

Natawa ako dahil sobrang familiar ng environment ng kwento sa’kin dahil una, personal experience at pangalawa, marami na kasi akong.nabasa na ganito ang set-up, mayaman mahirap, magkakaibigang gwapo at mayaman, school royalties etc. Still, hindi dahilan ‘yon para madismaya ako sa kwento o mag-skip ng mga chapters na predictable.

Yes, predictable na ang mga mangyayari especially ‘yong about sa taong gusto ni Lirio, masyadong mabilis kaya di ko naramdaman ‘yong shifting ng feelings from a scratch to something meaningful. Siguro magdagdag pa ng ilang instances between Lirio and his love o kaya kahit ‘yong thoughts na lang ipakita na kakaiba na pala tingin niya sa girl kahit pa walang malisya sa kanya, pero syempre sa readers namumuo na rin ‘yong kilig dahil alam na nila ang feelings nito para sa girl. Magandang basis ‘yon para naman sa mga instances at hints na pinakita ng author sa mga sumunod na chapters.

Hindi ko lang nagustuhan ‘yong fact na high school pa lang ‘yong mga characters since their roles are too matured to think na hindi naman lahat sila lumaki sa America. Siguro reading preference ko lang ito pero plot wise, sobrang damang-dama ko naman if hindi ko iisipin na high schoolers sila. Siguro college seniors, or sophomores ganyan. Then, I’m not sure kung naguluhan ba talaga ako or tama lang ang grade level ni Knight. Akala ko kasi senior na siya kaya din MVP siya tapos pinasa na niya gano’n, pero hindi naman ako naguluhan sa part na ‘yon napansin ko lang and if ever i-edit ng author ang storyniya at leats mapapalitan niya itong mga maliliit na bagay na ‘to kung tama ngang medyo magulo.

Damang-dama ko ‘yong kilig (for the freaking first time kinilig ako sa nabasa kong romance), ‘yong sakit at problems/issues na meron bawat characters na bida. Well, except sa shifting ng feelings ni Knight dahil namatay dad niya. Pinanindigan ng author bawat characters pero siguro dahil mahaba na masyado ang kwento o kaya naman ay fast-phasing, nakulangan lang ako para sa mga emotions na binigya nang nagsulat nito.

Weird sa pakiramdam ko na first point of view ang gamit.para sa chapter title pero nakasulat ang kwento sa third piint of view nga na nagshi-shifting ang focus kaya medyo nakakalito. So, I just skip the chapter titles hindi ko maligaw kung para kanino talaga ang chapter na ‘yon. Ang mahalga ay nakakasabay ako sa flow ng kwento.

Habang binabasa ko ‘to sumasagi talaga sa isip ko ang Meteor Garden (okay, pahalata sa age). Pero katulad ng sinabi ko before, familiar ako sa environment ng kwento kaya hindi gano’n ka-imposible ng mga scenarios na pinakita sa bawat chapters. Dahil din doon, nag-expect ako ng todo, comparing my emotions to the characters.

I find myself smiling and getting excited to finally finish the story, but at the same time I want to know the secrets behind their families dahil doon ako nalito. They’re too connected to each other kaya naging scripted. Kumbaga para lang maipilit na magkakilala-kilala sila, para masabang destiny ang gumawa.

Still, naiyak ako and was hoping na sana may part two dhail kung hindi aawayin ko ang nagsulat. Seriously, even if the author answered some questions, fixed some issues, may mangilan-ngilan pa rin katanungan kaya rin gusto ko ng part two.

Pinakapaborito ko talaga si Adrian, halos magkaugali lang kasi sila ni Lirio pero siguro kaya rin nagustuhan ko siya ay hindi gaano nagkaroon ng impact sa’kin ang feelings niya sa babaeng mahal niya na parang hanggang salita lang mga ‘yon hindi ko naramdaman kung ikukumpara sa kwento ng pag-ibig ni Lirio which is understandable naman.

Hindi rin ako mahilig sa mga high school-themed stories pero bakit kaya naghahanap pa ako ng part two nito? Well, hihiling na lang ako sa Wishing Stars and Dandelions para sa part two.

Advertisements